Sunday, July 30, 2006

Tinatahulan ng aso ang hindi nila kilala.



Bago tumahol ang aso, magsisimula muna ito magtaka. Sino ba ang taong nasa harapan nito? Para kay Herakleitos, ang pagtatakang ito ang magpapatindi sa pagdanas ng logos.

Kailangang walang ginagawa ang aso para magawa nitong mapagmasdan at makilatis ang taong nasa harapan. Magiging sabay-sabay ang paggawa nito. Masusing nitong gagamitin ang limang karamdaman—paningin, pangamoy, panlasa, pandinig at pandamdam. Pilit iiwasan ng aso ang anumang makakasagabal sa pagkilatis nito habang pinanatiling alisto ang kamalayan sa gagawin pagbunyag ng logos. Sa ginagawang pagdanas ng aso, unang pinagmamasdan nito ang katutubong pag-iral ng tao. Marahil, iniisp ng aso kung sino at ano ang kaugnayan ng taong iyon sa konteksto ng tinatawag nitong kapaligiran. Sunod namang pagmamasdan ng aso ang hindi katutubong uri ng tao. Maari nating sabihing nag-aabstraksyo rin ang aso sa gagawin paghihiwalay ng taong kinikilatis sa kabuuan ng kapaligiran nito. Matapos danasin ang katutubo at hindi katutubong kalagayan, mababatid na ng aso ang detalye ng sangtumutubo—ang pagphyphysis ng tao kinikilatis.

Ayon naman kay Herakleitos, ang katutubong buod ng pag-iral ng tao ay isang hidwaan. Ang patuloy na umiiral na detalye ng sangtumutubo ay tungkol sa hindi pagkakasundo. Ginagamit ng aso ang mapangkilatis na panadama upang malaman ang mga pag-uumpugang bukal sa pagphyphysis ng taong sinusuri. Isa ang tao, datapwat walang humapy na nag-iiba ang kanyang kauganyan sa kapaligiran ng aso. Tinaguriang kilos logos ang pag-iipon ng nasabing hidwaan na bumubuo at nag-aangkop. Itinuturing ito bilang isang pagamamasid ng diwa at kalooban. Sa alistong pananahimik ng aso, mauulinigan nito ang pagsusukat ng mga hidwaan at pag-uunat ng mga ito tungo sa tamang timpla—pagdama at pagdanas sa logos. Bunga ng pagtalab ng logos, magkakaroon ng pagmamatino ang aso dahil malilinawan ito sa kabit-hiwalay na kaugnayan ng tao sa kapaligiran nito. Kung gayon, matututuhang gumalaw ng aso sa kabila ng hindi tumitigil na pagbabago ng sangtumutubo. Halimbawa na rito ang pigpiling tumahol o tumahimik.

Napagmasdan nga ni Herakleitos na marunong makiugnay ang mga hayop sa mga tao. Nagbunga ang pagdanas at pagtalab ng logos sa kinikilalang wastong kaugnayan. Para sa asong kumilatis sa mga kaugnayan, nilologos ng pagtahol nito ang hindi pagkakakilala sa taong nasa harapan. Isang tao na tila bumago sa kayusang kinamulatan ng aso. Gayun pa man, ang hindi matingnang tunay na pagka-angkop ng taong tinatahulan sa lahat lahat ay binabatid ng logos.

Sa konteksto ng aso, iniugat natin ang karanasan ng logos sa pagtataka. Ang nagawang pagdanas sa nakalilitong papalit-palit na kaugnayan ng tao ay nagbunga sa mas pinatinding pagkagising sa logos—isang pananariwa.

still solving life's unbalanced chemical equation.....

No comments: