Minsan talaga may mga bagay na hindi na pala kailangan ng explanation. Sakyan mo na lang. Kahit hindi mo maintindihan, kahit pa masaktan ka, kahit pa walang kasiguraduhan. Darating ka sa point na sobrang mahihigh ka sa kasiyahan at siyempre not to forget yung mga times na madudurog ang puso mo. Nakahon na kasi tayo ng mga ambisyon natin. Parang ito na lang yung nagpapatakbo sa bawat galaw natin. Restricted na tayo sa mga gusto nating gawin. We set standards of what are good for us and what are bad for us. Nagiging resulta lang nito ang pagkakadena natin. Nakalimutan na nating pagbigyan ang ating mga sarili. Hindi na natin napagbgyan ang mga pangangailangan natin—kahit anong aspeto. Umiikot lang ang mga buhay natin sa mga gusto nating magyari. Masayadong walang katuturan kung tutuusin. Isang beses ka lang mabubuhay. Naiingit ako sa mga taong kaya nilang gawin lahat ng gusto nila. Silang mga liberated at walang paki-alam sa sasabihin ng iba. Silang wala pinag-aalayan ng pagod. Sila na walang umaasa. Siguro kasi, hindi na nila napagdadaanan lahat ng highway sa buhay ko. Ano nga kaya ang pakiramdam ng gigising ka sa umaga at iispin mo lang ang mga bagay na gusto mo? Tapos yun na lng ang gagawin mo buong araw.
Marami akong plano sa buhay. May plan A, B at C. naiisip ko, na lahat ng pagsusmikap ko ginagawa ko para sa mga taong minamahal ko. Nakakalimutan ko na rin gawin para sa sarili ko. Hindi ko alam pero sa nagyon yun ang totoo. Kaya pla hindi bukal sa puso ko ang mag-rejoice kung kailangan. Ang akin, masaya ako kasi alam kong napapasaya ko sila. Kaya pala kulang. Wala akong masamang impication sa mga sinasabi ko. Nagtataka lang talaga ako. sadyang peculiar.
Sana nga immune na ako sa lahat ng pagod na kaakibat ng nalalabi pang 3.5 na taon. Sana matapos na ang lahat nang hindi ko mararamdaman ang pagod. Hindi na bago sa akin ang may makilalang mga tao na hahadlang sa pagtapos ko sa karerang napili ko. Alam ko kasing mawawala rin sila. Ako naman ang laging may huling say sa pedeng mangayri. Ang gusto ko lang talga nagyon, matapos na ang lahat. Ang paulit-ulit na mga pangyayari ang sumasakal sa akin. Ang kagalakang hindi bukal ang bumibigti sa akin. Ang walang katapusang gulong ng swerte ang nagpapahilo sa akin.
Ito ang free writng. Magulo ang isip. Maraming saloobin. Walng koneksiyon. Malabo. Sabog.
still solving life's unbalanced chemical equation.....
No comments:
Post a Comment